Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega na wala pang naitatalang mga Pinoy na nasugatan sa nangyaring ‘racially-charged riots’.

Nag-ugat ang gulo sa lugar nang akusahan ang 2 Romanian na nang-rape ng isang local.

Sa ulat ng Philippine Embassy sa London, sinabi nitong ilang Pilipino ang tinarget ng racist riots sa Northern Ireland.

Ayon kay De Vega, apektado ang mga ito, pero walang physical injuries.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 10 Pilipino na inaalagan din ng Filipino families.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbigay na ng abiso ang embahada ng Pilipinas sa London, na sumunod sa local authorities doon.

Samantala, kasado na rin ang pagpunta sa Northern Ireland ni Amb. Teddy Locsin Jr. upang malaman ang kalagayan ng mga Pinoy na naaipit sa gulo.