TUGUEGARAO CITY- Malaking panganib umano sa mga aquatic animals ang mga itinatapon na mga plastic at iba pang mga basura sa mga katubigan sa buong mundo.

Sinabi ni Dr.Jo Marie Acebes, founder ng Balyena.org., ilang aquatic animals na ang namatay dahil sa mga nakaing mga plastic.

Tinukoy ni Acebes ang dolphin na namatay sa Palawan kung saan ay may nakitang mga plastic na bumara sa kanyang bituka gayon din sa Thailand na isang pilot whales na napakaraming plastic ang nakita tiyan.

Matatandaan na isa ring balyena ang namatay sa Cagayan at nang suriin ay may plastic sa kanyang tiyan na posible umanong dahilan ng kanyang pagkanmatay.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Acebes na hindi lamang mga aquatic animals ang nakakain ng plastic kundi maging ang mga ibon na ang kanilang pagkain ay mga isda.

Dahil dito, nanawagan si Acebes sa lahat na maging responsable at tumulong na malinis ang mga katubigan mula sa mga basura.