TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ni PCOL.Ariel Quilang, director ng Cagayan Police Provincial Office na mahigpit ang pagbabantay nila sa mga posibleng papasok na POGO workers at iba pang empleado ng Cagayan Economic Zone Authority na mula sa kalakhang Maynila at iba pang lugar.
Sinabi ni Quilang na ang tanging papayagan lamang na makapasok sa CEZA ay ang mga may hawak na Authority Pass Outside Residence.
Reaksion ito ni Quilang sa sinasabing may papasok na naman na POGO workers sa mga casino sa CEZA.
Matatandaan na una nang kinasuhan ang ilang empleado ng CEZA na tangkang pumasok sa lugar gayong wala silang hawak na otorisasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Quilang na ang dalawa namang pulis na nag-escort sa mga ito ay iniimbestigahan na.
Kasabay nito, sinabi din ni Quilang na tinitiyak nila na walang operasyon ng dalawang casino sa CEZA.
Samantala, sinabi ni Quilang na marami na silang nahuli na lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act kabilang ang hindi pagsunod sa curfew hours, assault to person in authority, paglabag sa price at consumer act at hoarding ng mga produkto.
May mga kinasuhan din na lumabag sa liqour ban at anti-illegal gambling law.
Idinagdag pa ni Quilang na tuloy din ang kanilang anti-criminality campaign sa gitna ng ECQ.
Sa katunayan aniya, may ilan silang naaresto na most wanted at mga lumabag sa special laws