Sapilitang lumikas ang daang-daang mamamayan kabilang ang 225 na inmates mula sa maximum security prison sa eastern Canada bunsod ng wildfires.
Ayon sa mga opisyal, ipinag-utos ang evacuation ng mga inmates sa federal penitentiary in Port-Cartier, 500 kilometro sa Quebec City kasama ang 1, 000 na residente at ang 750 na manggagawa sa hydroelectric dam sa Labrador.
Sinabi ni correctional services commissioner Anne Kelly na isinara na ang bilangguan at matagumpay na nailipat ang mga inmates sa ibang
federal correctional facilities.
Nakakulong sa nasabing piitan ang ilang most most notorious criminals kabilang ang maraming serial killers.
Una nang idineklara ang state of emergency noong Biyernes dahil sa wildfires sa bayan ng Port-Cartier.
-- ADVERTISEMENT --