Papatawan ng 17 percent na taripa ang mga exports ng bansa sa America simula sa April 9 bilang bahagi ng “Liberation Day” tariff policy na inanunsiyo ni United States President Donald Trump.
Ito ay batay sa table na ipinost ni Trump on Truth Social na pagpapataw ng 17 percent tariff, na mas mababa sa 34 percent imposition sa goods na pumapasok sa bansa na mula sa America.
Subalit sa dagdag na statement ni Trump na inilabas ng White House, makikita ang mas mataas na tariff rate na 18 percent sa Pilipinas.
Nagpataw din ng mas mataas na taripa sa halos lahat ng Southeast Asian countries, tulad ng Vietnam na 46 percent, Thailand na 36 percent, Indonesia na 32 percent, 49 percent sa Cambodia at 24 percent sa Malaysia.
Tanging ang Singapore lamang ang pinatawan ng 10 percent tariff.
Una rito, sinabi ni Trump na layunin ng pagpapatupad ng mas mataas na taripa ay ang pangangailangan na palakasin ang international economic position ng United States at protektahan ang mga manggagawa ng America.