Aabot na sa P50 billion ang halaga ng mga infrastructure project na nakitaan ng pare-parehong may mga red flags sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).
Sa budget briefing sa Senado, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na sa National Capital Region (NCR) hanggang Region 3 na flood control management pa lang ay aabot na sa 500 items ang nakita nila na may pare-parehong costing na P75 million, 100 million, P120 million, at P150 million bawat isa.
Sa huling bilang nila na 373 items na may tig P100 million bawat isa, ito ay katumbas na agad ng P37.3 billion.
Iginiit ni Lacson na malinaw na red flag ito kaya hiniling niya sa Chairman ng Finance Committee na magschedule ng executive session para magabayan sila at mabigyan ng direksyon kung sakaling buburahin ang lahat ng red flags ay saan nila ililipat ang pondo.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na ang tama nito sa taumbayan ay quadruple whammy dahil mula sa NEP, Kamara, Senate version, at bicam ay mayroong isinisingit na pondo para sa mga maanomalyang proyekto.