Sisimulan na ang mga proyektong pang-imprastruktura sa mga malalayong lugar o geographically isolated at conflict affected areas sa Balbalan Kalinga.
Ito ay kasunod ng isinagawang ground breaking ceremony sa dalawang major infrastructure projects sa barangay poswoy sa bayan ng Balbalan.
Ayon sa 5th infantry division, ang mga prOyektong ito ay kinabibilangan ng konstruksiyon ng tulay na nagkakahalaga ng P85 million at kalsada na pinondohan ng P4.8 million
Galing ang pondo sa pamana program o payapa at masaganang pamayanan kung saan layunin ng mga proyektong ito na pahusayin ang mga lokal na aktibidad sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapabuti ng transportasyon at pag-access sa mahahalagang serbisyo, paglikha ng mga bagong pagkakataon para sa paglago ng ekonomiya, at pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa mga residente.
Inaasahang malaki ang kontribusyon ng mga proyektong ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon.
Ayon kay b/gen. Romualdo Raymund Landingin Jr., Commander ng 503rd Infantry Brigade, na ang mga proyektong ito ay pagtupad sa pangako ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.
Ang groundbreaking ceremony na dinaluhan ni kalinga gov. james edduba, mga opisyal ng kasundaluhan at kinatawan ng government at non-government organizations ay tanda ng transformative milestone para sa Barangay Poswoy na nag-aalok ng pag-asa at tangible improvements habang tinutugunan ang mga lokal na isyung pinagsamantalahan ng Communist Terrorist Groups.