Tuguegarao City- Tinanggap ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang iba’t-ibang mga public safety logistics mula sa US based group.

Kaugany nito, pinasalamatan ni PBGEN Angelito Casimiro, Regional Director ng PRO2 ang nasabing grupo dahil sa tulong na ibinahagi ng mga ito sa PNP Cagayan.

Aniya, malaking tulong ang donasyon ng US based group upang lalong mapalawig ng pulisya ang kanilang serbisyo para sa kabutihan at seguridad ng publiko.

Ilan sa mga donasyong ibinigay ay mga patrol vehicle, generator sets, satellite phones, computer sets, printers, air condition units, life vests, mga solar panels, public announcement system at iba pa na mamaaring gamitin sa pagresponde sa panahon ng kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tiwala naman si Casimiro na sa pamamagitan ng mga karagdagang mga kagamitan ay lalo pang mapagbuti ng PNP ang kanilang hangarin sa pagbibigay ng public safety services.

Umabot naman sa 4, 791, 692 ang kabuuang halaga ng ibinigay na donasyon ng nasabing grupo.