
Itinalaga ang mga pulis at iba pang law enforcement teams para arestohin ang 18 suspects sa corruption scandal kaugnay sa flood control projects.
Inilabas ng Sandiganbayan ang warrants laban kina resignes congressman Zaldy Co, at 17 iba pa, kaugnay sa iregularidad sa flood control project sa Oriental Mindoro.
Walang inirekomendang piyansa ang prosecutors para sa mga suspect dahil sa laki ng iregularidad sa river dike project, na nagkakahalaga ng P289 million.
Sa video message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi niya na aarestohin ang mga suspect, ihaharap sila sa korte, at walang special treatment sa mga ito.
Ayon naman kay Interior Secretary Jonvic Remulla at National Bureau of Investigation, hihilingin nila sa Interpol na tumulong sa paghahanap kay Co sa pamamagitan ng Red Notice, kung siya ay nasa labas pa ng bansa.
Sinabi niya na huling nakita si Co sa Japan ilang araw na ang nakalilipas.
May inilabas na rin na immigration order para mapigilan ang paglabas ng bansa ng mga suspect.









