Kapwa pinuri at pinasalamatan ng pamunuan ng pulisya at militar ang mahigit walong libong tauhan sa pagtugon sa call of duty para magtagumpay ang 2019 midterm election sa rehiyon dos.
Binigyang diin ni Maj. Gen. Pablo Lorenzo, commanding officer ng 5th Infantry Division Philippine Army ang kahalagahan ng papel ng PNP at sundalo sa matagumpay na halalan.
Ikinalungkot naman ni Lorenzo ang naitalang karahasan sa Isabela tulad ng panununog sa Vote Counting Machines at ang engkwentro sa mga rebeldeng grupo.
Gayunman, sa assesment ng pambansang pulisya, naging matagumpay ang idinaos na halalan.
Matatandaang mahigit anim na libong pulisya at mahigit dalawang libong sundalo ang naideploy sa ibat ibang polling precincts sa Cagayan at Cordillera region.
Kahapon ay pormal nang nakauwi at nakabalik sa kanilang kampo at police units ang mga pulis at sundalo.