TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ng Police Regional Office No. 02 na bawal sa pulisya ang kumuha ng prangkisa sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magpatakbo ng numbers game.
Paliwanag ni Police Brigadier Gen. Jose Mario Espino, regional director ng PRO-02 na may mga sinusunod na pamantayan ang PCSO sa pagbibigay ng prangkisa.
Sinabi ni Espino na bawal sa PNP ang maging operator ng mga lotto outlets dahil posibleng maapektuhan ang trabaho o tungkulin nito sa publiko o ang tinatawag na “conflict of interest”.
Subalit, maaari namang kumuha ng prangkisa o magpatakbo ng negosyo sa lotto ang mga asawa o kamag-anak ng pulis.
Kahapon nang pangunahan ni PCSO General Manager Royina Garma ang business presentation na maaaring makapaglagak ng investment ang mga pulis sa mga lotto outlet.
Tiwala namang si Espino na alam ng bawat pulis ang mga dapat iwasan na ilegal lalo na sa usapin sa con flict of interest.