Aabot sa 630,000 na mga pulis at military ang idedeploy sa gaganaping Paris Olympics 2024 sa July 26 sa France.

Bukod sa mga french police na madedeploy sa Paris ay nagpadala din ang ilang mga bansa ng kanilang sariling pulis gaya ng Spain, Germany, Qatar at Israel upang tumulong sa pagbabantay at pagsiguro sa seguridad ng mga dadalo sa Olympics.

Ayon kay Lucio Cruz Sia Jr.Bombo international news correspondent ng Paris France, madaming preparasyon ang ginagawa ng nasabing bansa upang maging komportable at maayos ang takbo ng nasabing olympic games kung saan dalawang taon rin naghanda ang nasabing bansa.

Siniguro din aniya ng bansa ang seguridad ng mga atleta at mga manonood upang walang manggugulo sa olympics gaya na lamang ng nangyari sa Germany kung saan nagkaroon ng terror attacks.

Bawal rin pumasok sa venue ang mga gustong manood maliban na lamang kung mayroong ticket ngunit kontrolado parin ang mga ito dahil sa paghihigpit sa seguridad.

-- ADVERTISEMENT --

Pumunta rin aniya ang mayor ng Paris sa Seine River at ang presidente ng France na si Emmanuel Macron kung saan uminom pa ito ng tubig na mula sa nasabing river upang patunayan na malinis ang tubig nito sa kabila ng madaming nagsasabi at nanggugulo na hindi fit ang lugar para sa mga atleta.

Bagama’t pabago bago rin ang klima sa nasabing bansa ay umaasa naman si Lucio na magiging maganda parin ang performance ng mga atleta lalong lalo na sa mga kalahok ng Pilipinas.

Mayroong 22 representatives ang Pilipinas kung saan 7 ay mga lalake habang 15 naman sa mga babae at umaasa umano ito na makakasungkit ang mga atleta ng medalya.

Sa ngayon ay maayos naman ang kalagayan at pinagtutulugan ng mga atleta ng Pilipinas.