TUGUEGARAO CITY- Sumailalim sa HIV screening o testing ang 72 pulis ng Police Regional Office no. 2.
Sinabi ni Michael Tabueg,STI,HIV/AIDS coordinator ng Department of Health Region 2 na natutuwa sila dahil sa marami sa mga pulis ang boluntaryo na sumailalim sa nasabing screening.
Kaugnay nito, sinabi ni Tabueg na confidential ang resulta ng screening.
Bago ang screening ay nagkaroon muna ng AIDS awareness seminar na dinaluhan ng 210 na pulis at mga police trainee.
Kasabay nito, sinabi ni Tabueg na hindi lang ang men having sex with men ang kanilang target kundi lahat ng kasarian dahil ang layunin ng DOH ay lahat ay mabibigyan ng tamang serbisyo sa usapin ng HIV screening.
Unang nang nagsagawa ng screening para sa HIV ang DOH sa mga sundalo ng 5th Infantry Division sa Upi,Gamu,Isabela.