Isasailalim sa lingguhang bible study ang mga miyembro ng pulisya sa lalawigan ng Cagayan bilang bahagi ng internal cleansing program.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMAJ Edwin Aragon ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na ang bible study ay ilulunsad sa mga susunod na araw sa lahat ng unit at opisina ng PNP sa lalawigan.

Ayon kay Aragon, magkakaroon ng lingguhang bible study na magiging gabay ng bawat pulis sa kanilang pang-araw araw na buhay at upang pag-usapan ang kanilang pinagdadaanan na makatutulong sa paggampan ng kanilang mandato sa publiko.

Nasa 255 na squad o grupo ang nabuo sa lalawigan kung saan bawat squad leader ay isasailalim muna sa pagsasanay.

-- ADVERTISEMENT --

Bawat grupo ay aalalayan ng isang life coach mula sa isang spiritual leader o religous sector na siyang magsasagawa ng pagsasanay sa mga squad leaders.