Dumating ang mga pulis sa bahay ni South Korean President Yoon Suk Yeol para sa pag-aresto sa kanya kaugnay sa kanyang deklarasyon ng martial law na tumagal lamang ng ilang oras nitong buwan ng Disyembre.

Nasa 20 pulis ang pumunta sa presidential residence kaninang umaga, kung saan may karagdagan na reinforcement na 80 matapos ang isang oras.

Tensiyonado ang sitwasyon matapos na magtipon-tipon ang mga supporters ni Yoon.

Iginiit ng abogado ni Yoon na hahamunin nila ang labag sa batas umano na arrest warrant.

Inilabas ng korte ang warrant kamakailan laban kay Yoon matapos na tumanggi siyang sagutin ang mga summon para humarap sa mga opisyal na nagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa pang-aabuso sa kanyang kapangyarihan at dahil umano sa insurrection.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na sinuspindi sa kanyang duties si Yoon noong December 14 matapos na bumoto ang mga mambabatas na siya ay isailalim sa impeachment, subalit matatanggal lamang siya sa puwesto kung ito ay pagtitibayin ng constitutional court ng bansa.