TUGUEGARAO CITY-Pinaalalahanan ng National Police Commission Region 2 ang mga pulis na magbabantay ngayong halalan maging ang mga escort ng mga pulitiko na tiyakin na huwag magpagamit sa mga kandidato.
Sinabi ni Danilo Pacunana, director ng NAPOLCOM Region 2 na may karapatan ang mga pulis na iboto kung sino ang kanilang napupusuan at hindi dahil sa may dikta ang mga pulitiko.
Binalaan din niya ang mga pulis na hindi aaksion sa mga nakikitang mga iligal na ginagawa ng isang kandidato na maaari silang mapatawan ng parusa.
Ayon sa kanya, maaaring sumangguni ang mga pulis sa nakatataas na opisyal o sa Commission on Elections kung may alinlangan sila sa kanilang dapat gawin kung may nakikitang iligal na ginagawa ang mga kandidato.
-- ADVERTISEMENT --