
Pagbabawalan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pulitiko at mga opisyal ng pamahalaan sa pagdalo sa cash aid payouts, pasrtikular sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang nasabing patakaran ay mula guidelines sa tinanggalan ng pondo na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program para mapigilan ang impluwensiya ng mga pulitiko sa pamamahagi ng ayuda.
Ang patakaran ay nakapaloob sa Joint Memorandum Circular No. 2025-01 na inilabas ng DWSD, Department of Labor and Employment, at Department of Economy, Planning, and Development.
Nakasaad sa memorandum na bawal ang mga pulitiko sa pagdalo sa payout activities at ipinagbabawal din ang paglalagay o pamamahagi ng posters, leaflets, o banners na nag-uugnay sa mga pulitiko sa cash assistance programs.
Ipinaalala din ni Gatchalian na ang nasabing pagbabawal ay para sa iba pang programa tulad ng Sustainable Livelihood Program at Emergency Cash Transfer.
Samantala, tiniyak ni Gatchalian na maaaring magsilbing “extra life of defense” ang mga social worker laban sa paggamit ng government assistance para sa personal o pulitikal na interes.
Muling igiit ni Gatchalian na hindi walang kailangang referral para maka-access sa mga programa at ang assistance ay available para sa lahat ng mahihirap at mga nasa krisis.










