TUGUEGARAO CITY- Inilatag ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang mga requirements papasok at palabas ng lungsod bilang pag-iingat pa rin sa covid-19.
Sinabi ni Angelo Suyu, head ng City Command Center na para sa mga papasok ng Tuguegarao na mula sa iba’t ibang bahagi ng Cagayan na bibiyahe by land ay kailangan na magpakita ng travel pass, barangay health declaration na hindi PUI o PUM at valid ID.
Para naman sa magmumula sa Region 2, kailangan ang S-pass na online, barangay certificate na hindi PUI o PUM at valid ID habang ang manggagaling naman sa labas ng Region 2 ay kailangan ang s-pass at iba pang dokumento.
Sinabi ni Suyu na kung hindi lalagpas sa 72 hours ang pananatili sa Tuguegarao ang mga galing sa labas ng rehion ay kailangan lamang ang s-pass, barangay certificate at valid ID, subalit kung mahigit sa 72 hours ay kailangan na magpakita ng negative result ng RT-PCR test bukod sa iba pang nabanggit na dokumento.
Ayon kay Suyu na kailangan na 72 hours ang validity ng RT-PCR test.
Ang mga negosyante at APOR ay kailangan na makipag-ugnayan muna sa command center, ipakita ang kanilang itinerary, company ID, certificate of employment, travel order, barangay certificate, RT-PCR test na may 3 days validity.
Para naman sa mga sasakay ng eroplano na pupunta ng lungsod, kailangan ang online checkpoint registration o OCR, RT-PCR test na may validity na hanggang tatlong araw at barangay certificate.
Sa mga residente na lungsod, kailangan din ng OCR, barangay certificate, ngunit kung walang makuhanan ng certificate sa panggagalingang lugar ay kailangan ng RT-PCR test at valid ID.
Para naman sa lalabas ng Tuguegarao na pupunta sa ibang bahagi ng Cagayan, kailangan ang travel pass, healh declaration at ID na magagamit din pagbalik ng lungsod sa loob ng 72 hours.
Kapag pupunta sa lugar sa loob ng Region 2, kailangan ng s-pass at ID at iba pang dokumento na hinihingi naman ng LGU na pupuntahan.
Ayon kay Suyu, makikita naman sa s-pass ang ,mga requirements na hinihingi ng mga LGU para sa papasok at lalabas sa kanilang mga lugar.