Naglabas ng flood advisory ang Cagayan river basin flood forecasting and warning center ng Department of Science and Technology- Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) kaugnay sa nararanasang pag-ulan dulot ng bagyong Carina sa Cagayan Valley.

Batay sa advisory, inalerto ang mga residente partikular ang mga naninirahan malapit sa Cagayan river basin sa posibleng flash floods at landslide na posibleng idulot ng pag-ulan.

Bagamat nananatili sa below alert level ang antas ng tubig sa main Cagayan river, inatasan pa rin ang mga local disaster risk reduction management councils ng mga lugar malapit sa ilog na ipatupad ang mga precautionary measures para maiwasan ang matinding epekto ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mountainous area.

Ipinayo rin ang patuloy na pagmonitor sa heavy rainfall warnings na inilalabas ng state weather bureau para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
Pangunahin sa mga binabatanyan ay ang upper Cagayan river at ang tributaries nito na magat at ganano kung saan posibleng maapektuhan sa pagtaas ng antas ng tubig ang bayan ng San Agustin, Jones, Echague, Alicia, Angadanan, Cauayan, Naguilian, Reina Mercedes, San mateo, Cabatuan, Aurora at Luna sa probinsiya ng Isabela.

Kasama rin sa inalerto ang mga naninirahan malapit sa middle Cagayan river at tributaries nito na siffu-mallig at pinacanauan river sa Ilagan, Tumauini at San Pablo kung saan kabilang din sa mga lugar na maaaring maapektuhan dito ay ang Gamu, San Mariano, Delfin albano, Sto. Tomas, Cabagan at Sta. maria

-- ADVERTISEMENT --

Tinututukan din ang lower Cagayan river at ang tributaries nito na pinacanauan de Tuguegarao, Chico, Pared at Dummun dahil sa banta ng flashflood at landslide sa mga mountainous area sa bayan ng Penablanca, Tuguegarao city, Enrile, SSolana, Iguig, Amulung, Alcala, Baggao, Lasam, Gattaran, Lal-lo, Camalaniugan, Aparri, Tuao, Piat at Sto. Nino