Naglabas ng abiso ang NDRRMC para sa LGU at iba pang ahensiya upang bantayan ang karagatan malapit sa Ilocos Norte at Cagayan para sa inaasahang pagbagsak ng nagamit na rocket booster.

Ito ay magmumula sa rocket na ilulunsad ng China mula sa Wenchang Space Launch Site bandang 8:00 PM sa Sabado.

Ang Long March 7A rocket ay magdadala ng satellite papuntang kalawakan.

Ang advisory ay epektibo mula Hunyo 28 hanggang Hunyo 30, 2024.

Nararapat na iwasan ang paglalayag malapit o sa mismong dropzone habang hindi pa nakukumpirma ang pagtatapos ng rocket launch.

-- ADVERTISEMENT --

Sakaling makatagpo o makakita ng piraso ng rocket, iwasan ito at huwag pulutin.

Ang mga debris mula sa rocket ay posibleng may lamang kemikal gaya ng rocket fuel na delikado sa tao.

Maaring ipagbigay alam ito sa LGU, BFAR, Coast Guard o ibang ahensya ng pamahalaan.