TUGUEGARAO CITY-Posibleng sa araw ng Sabado, Mayo 9,2020 ay maaari nang bumiyahe papasok sa lungsod ng Tuguegarao ang mga residente ng Baggao.

Ayon kay Dr. James Guzman, ang city health officer ng Tuguegarao, ito ay kung wala ng magpopositibo sa coronavirus disease (covid-19) hanggang ngayong araw.

Una rito, pinagbawalan ang mga residente ng Baggao na pumasok sa lungsod kahit isinailalim na sa General Community Quarantine ang Cagayan dahil hanggang ngayon ay kasalukuyan pa rin ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ni covid-19 PH7918 na mula sa bayan ng Baggao.

Aniya, bagamat nagnegatibo at nakalabas na ng pagamutan ang pasyente,kwestyonable pa rin kung saan at kung paano nahawa sa nakamamatay na virus ang pasyente kung kayat nitong April 24, 2020 ay ipinatupad ang Community 14 day quarantine na magtatapos ngayong araw ( May 8, 2020)

Kasunod nito , sinabi ni Guzman na manatiling nakaantabay para sa go signal ng LGU-Tuguegarao kung tuluyan ng papayagang makapasok ang mga residente ng Baggao sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Dr. James Guzman