Ligtas at maayos ang sitwasyon ng mga residente ng Brgy. Dalupiri sa Isla ng Calayan, Cagayan matapos na tumama ang 5.4 magnitude na lindol.
Ayon kay Mayor Joseph Lliopis, sa pakikipag-ugnayan nila sa brgy. kapitan sa lugar ay wala namang iniwang pinsala ang nasabing lindol na tumagal umano ng hanggang 12 segundo habang hindi rin naapektohan ang pag-alon ng karagatan.
Sinabi niya na naramdaman nila ang paglindol ng hanggang 20 segundo at nagkaroon lamang ng panandaliang aftershock ngunit gayon pa man ay hindi naman nag panic ang mga residente.
Ang Brgy. Dalupiri ay tinatayang nasa layong 27km mula sa Centro ng Calayan Island at aabot sa 600 ang mga naninirahang residente sa lugar.