Mahigit 253 residente sa Sacpil, Conner kamakailan ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa pamamagitan ng Project BUTSY.

Pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) at Apayao Provincial Hospital (APH) ang pagbibigay ng circumcision (30 benepisyaryo), dental (35), fluoride treatment (35), feeding program (43), serbisyong medikal at parmasya.

Bukod pa rito, mayroon ding libreng screening sa paningin kung saan 83 residente ang nakinabang at binigyan ng libreng salamin sa mata.

Nakiisa rin ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 1505th Company at 98th Infantry Battalion at nagbigay ng libreng gupit. Nagkaroon din ng pamamahagi ng tumblers at school supplies sa 262 na bata.

Ang mga serbisyong ibinigay ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Project Butsy upang maabot ang mga fur flung na lugar na nangangailangan ng medikal na atensyon.

-- ADVERTISEMENT --