Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng unang isinailalim sa pre-emptive kasabay ng bahagyang pagbuti ng panahon sa Bayan ng Sta. Ana, Cagayan.
Ayon kay Marion Miranda, head ng MDRRMO Sta Ana, mas maganda ngayon ang panahon sa kanilang bayan kumpara kahapon na nakaranas ng malalakas na pagbugso ng hangin at ulan kayat pinayagan ng umuwi ang mga residenteng inilikas.
Gayonman, tiniyak niya na nakaantabay pa rin ang mga rescue personnel at rescue assets ng kanilang bayan hanggat nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goring.
Inihayag nito na ang mga pangunahing lansangan ay passable pa rin naman at wala namang mga residenteng binabaha.
Sapat naman aniya ang mga naka-stanby na relief goods na ipapamahagi kung sakali na may mga residenteng dadalhin o ililikas sa mga evacuation center.
(STA PRAXEDES)
Samantala, inihayag naman ni Mayor Mayor Esterlina Aguinaldo ng Sta. Praxedes Cagayan na mainit naman ang panahon sa kanilang bayan na kung minsan ay may pag-ambon at mahinang ihip ng hangin.
Sa ngayon bagamat walang mga apektadong residente ay sinabi niya na nakaantabay pa rin ang kanilang mga rescue team sakali man na may mga residenteng kinakailangang respondehan.
Passable din aniya ang mga pangunahing lansangan lalo na ang daan patungo sa probinsya ng Ilocos.