Sumadad ang isang eroplano na may tail na RP-C1801 matapos itong lumagpas sa runway at maglanding sa Itbayat Airport sa Batanes.

Batay sa ulat ng PNP Region 2, bumangga umano ang eroplano sa concrete pavement ng kumanan ito sa runway 36 na nagresulta sa pagkasira ng nose wheel ng eroplano.

Nawalan umano ng kontrol ang piloto na sina Captain Adrian Jether Aquino at co-pilot nito na Carlo Cariño dahil sa problema sa landing gear brake system kaya ito sumadsad

Ligtas naman ang lahat ng sakay ng eroplano kabilang ang mga crew at lima pang pasahero habang kasalukuyan naman ang ginagawang follow-up investigation ang PNP Batanes kaugnay ng nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --