Siniguro ng National Bureau of Investigation (NBI) RO2 na hahabulin lahat nila ang mga sangkot sa pagre-recruit ng mga katutubong agta sa Cagayan upang sumali sa rally sa Metro Manila sa paggunita ng Martial Law declaration sa September 21.
Ayon kay Atty Gelacio Bonggat, regional director ng NBI RO2 na paglabag sa ‘Indigenous People’s Rights Act’ at ‘Human Trafficking Law’ ang kasong isasampa laban sa National Peoples Initiative Couincil na umano’y responsable sa pagpapadala sa mga katutubo sa Manila.
Sinabi ni Bongngat na isang uri ng exploitation ang tangkang pagbiyahe sa mga agta, kasama ang mga menor de edad sa kalakhang Maynila para mag-rally kontra sa gubyerno.
Sa salaysay ng mga mga nasagip na mga agta sa Tuguegarao, pinangakuan umano sila ng mga recruiters mula sa Marcos wealth ng tig-isang milyong piso sa bawat pamilya na sasama sa kalakhang Maynila.
Sinasamantala aniya ng grupo ang kakulangan sa edukasyon ng mga katutubo upang hikayatin na labanan ang pamahalaan.
Matatandaang, naharang ng pulisya at nasagip ang 48 katutubong agta kung saan 37 sa Tuguegarao City at 11 sa bayan ng Alcala na inorganisa upang maging raliyista.
—with reports from Bombo Marvin Cangcang