
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang Merry Christmas ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Marcos na makukulong ang mga sangkot sa nasabing korupsyon bago ang Pasko.
Binigyang-diin pa ng pangulo na tapos na ang maliligayang araw ng mga ito, at hahabulin sila ng pamahalaan.
Una rito, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na mahigit 40 na umano’y sangkot sa mga maanomalyang flood control projects sa Bulacan at Oriental Mindoro ang inaasahan na makukulong ngayong Nobyembre.
Ayon kay Dizon, kung pagsasamahin ang dalawang kaso, 26 ang sa Bulacan, kasama na ang mag-asawang Discaya at si Engr. Henry Alcantara at iba pa, habang sa Mindoro ay 15, kasama si dating congressman Zaldy Co at ang kanyang kumpanya.
Matatandaan na umamin si Alcantara at mga Discaya sa kanilang pagkakasangkot sa mga anomalya sa flood control projects, habang patuloy naman ang pagtanggi ni Co.










