May hinala si Senator Risa Hontiveros na tinulungan ng key players mula sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo)si Atty Harry Roque sa kanyang pag-alis ng bansa.
Dahil dito, nanawagan siya sa mga awtoridad na alamin at panagutin ang mga tumulong kay Roque.
Ayon sa ulat, nasa Abu Dhabi, United Arab Emirates si Roque.
Sinabi ni Hontiveros, na ang Abu Dhabi ay Pogo hub, kaya posibleng mula sa Pogo ang tumulong kay Roque sa kanyang pag-alis ng bansa.
Iginiit ni Hontiveros na marami pang dapat na ipaliwanag ang Bureau of Immigration, maging ang pagtakas ni Hua Ping sa Indonesia.
Una rito, sinabi ng BI na posible na umalis ng bansa si Roque sa pamamagitan ng iligal na paraan.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na batay sa beripikasyon sa kanilang records, wala silang nakita na pagtatangka na umalis ng bansa si Roque sa pamamagitan ng formal channels.
Ayon naman kay Justice Secretary Raul Vazquez na iniimbestigahan ang posibilidad na umalis ng bansa si Roque sa pamamagitan ng private plane.
Isinasangkot si Roque sa qualified human trafficking na inihain laban kay Cassandra Li ong at maraming iba pa na kaugnayan sa alegasyon ng illegal activities ng Pogo hub Lucky South 99 Corp.
Mayroon siyang arrest order mula sa Kamara matapos siyang i-cite for contempt at iniutos na makulong dahil sa kanyang kabiguan na magsumite ng mga dokumento na magbibigay katuwiran sa umano ay biglang pagtaas ng kanyang yaman.