Pinatututukan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga city at municipal mayors sa Cagayan ang pagtanggal sa mga sasakyang ilegal ang pagkakaparada sa mga lansangan.

Ito’y kasabay ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglilinis sa mga pampublikong lansangan sa anumang obstructions sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Ruperto Maribbay, Jr., provincial director ng DILG-Cagayan na bukod sa mga illegal structures ay inatasan ng DILG ang mga LGUs na tanggalin ang mga sasakyan na ginagawang paradahan ang mga lansangan lalo na sa gabi dahil sa kawalan ng garahe.

Iginiit ni Maribbay na sagabal ang mga ito sa daloy ng trapiko at kung minsan ay dahilan pa ng mga aksidente.

Bahagi ng pahayag ni Ruperto Maribbay, Jr., provincial director ng DILG-Cagayan

Nagbabala si Maribbay na maaaring maharap sa kaukulang kaso ang mga halal na opisyal na bigong ipatupad ang naturang kautusan.

-- ADVERTISEMENT --

—with reports from Bombo Genesis Racho