TUGUEGARAO CITY-Muling magsasagawa ng paghuhukay ang mga scientists at mga archeolgists ng paghuhukay sa Callao Caves sa susunod na linggo.

Sinabi ni Atty. Maria Rosario Mamba Villaflor, OIC tourism officer ng Cagayan na layon nito na makahanap ng mga panibagong diskubre ang mga experto ukol sa Homo luzonensis.

Ayon kay Villaflor, magtatagal ang gagawing paghuhukay ng 6 weeks.

Matatandaan na sinimulan ng grupo ni Armand Mijares ng University of the Philippines ang paghuhukay sa Callao Caves noong 2003.

-- ADVERTISEMENT --

Taong 2007 nang natagpuan ang isang footbone habang noong 2011 ay natagpuan ang pitong piraso ng ngipin, apat na handbone at isang leg bone.

Noong 2015 nang muling nakahukay ang grupo ng isa pang ngipin kung saan pinaniniwalaang mula sa tatlong tao ang mga butong nakita na posibleng nabuhay nang may 50,000 hanggang 67,000 taon ang nakaraan.

Nabuhay umano ang mga naturang uri ng sinaunang tao bago pa dumating ang Homo Sapiens na kinabibilangan ng mga taong nabubuhay ngayon.

Dahil sa natuklasang ito, maaaring madagdagan ang bahagi ng human evolution o human family tree na siyang magiging kontribusyon ng mga Pilipino sa world heritage at sa kasaysayan.

Kaugnay nito, idineklara ng national museum bilang national cultural property ang Callao cave para masiguro ang proteksiyon ng naturang makasaysayang kweba.