Tuguegarao City- Obligasyon umano ng pamahalaan na tulungan ang mga seafarers na nais makauwi ng bansa.

Ito ang sinabi ng Atty. Edwin dela Cruz, Maritime Laborer Lawyer, dahil sa dami ng mga seafarers na naapektohan ang trabaho bunsod ng pandemya.

Ayon sa kanya, karamihan sa mga manggagawang pinoy na nagtatrabaho sa mga barko ang na stranded, overstaying at hindi pinapasahod ng kanilang mga kumpanya.

Dagdag pa nito ay hindi rin pinapayagan ng mga shipowners na makauwi ang ilan sa mga manggagawa na walang karelyebo.

Bukod pa aniya rito ang problema sa mga barko at cruise ship na nahinto ang operasyon at hindi makalayag sa mga puerto dahil sa lockdown.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni dela cruz

Batay sa ibinahaging datos ni Atty dela Cruz ay aabot sa 100k na mga seafarers na mula sa iba’t ibang bansa ang naapektohan bunsod ng pandemya.

Samantala, sinabi pa niya na patuloy na ring hinahanap ngayon ng mga otoridad ang isang pinoy crew ng ocean queen cruise ship na naapektohan ng pagsabog sa Beirut, Lebanon.

12 pa umano sa kasamahan nito ang nakaligtas mula sa naturang insidente.

Gayonman ay nanawagan si Atty. Dela Cruz sa pamahalaan na bigyang prioridad ang kapakanan ng mga seafarers na isang pangunahing nagbibigay ng kontribusyon sa bansa upang makauwi ng ligtas.

tinig ni dela cruz