TUGUEGARAO CITY-Pinalawig ng Employees Compensation Commission o ECC ang saklaw sa mga makikinabang sa mga benipisyo kung saan kasama na rin ang mga self-employed member ng Social Security System (SSS).
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Janet Canillas, head SSS-Tuguegarao branch, ito ay batay sa ECC board resolution no.19-03-05 na inilabas noong buwan ng Marso taong 2019.
Aniya, sinimulang iimplementa ito nitong buwan ng Setyembre ngayong taon bilang tulong sa mga miembro lalo na ngayong panahon ng pandemic dulot ng covid-19.
Paliwananag ni Canillas, kung sakali man na nabayaran ang kontribusyon hanggang sa buwan ng Disyembre , hinatayin lamang ang ipapadalang mensahe sa kanilang email account para makapagcomply sa bayarin.
Sinabi ni Canillas na karagdagang P10 ang babayaran ng bawat miembro na may kontribusyon na P250 hanggang P1,750 kada buwan habang dagdag P30 naman sa mga may kontibusyon na P1,800 pataas.
Sakop ng naturang benispyo ang mga nagkasakit, naaksidente at anumang sakuna habang ginagampanan ang kanilang trabaho.