TUGUEGARAO CITY- Hindi na magbabayad ng parking fee ang isang snior citizen sa Tuguegarao City sa sandaling maipasa at maaprubahan ang panukalang ordinansa ni Councilor Gilbert Labanng ukol dito.
Sinabi ni Labang na saklaw ng nasabing ordinansa ang lahat ng mga senior citizen na nakarehistro o miembro ng Office of the Senior Affairs sa Tuguegarao City.
Ayon sa kanya, hindi na issue dito kung may kaya o indigent ang isang senior citizen bastat rehistrado sa OSCA.