Tuguegarao City- Dapat umanong ingatan ang archaeological site sa bayan ng Rizal Kalinga bilang bahagi ng pagpapahalaga sa pag-aaral at preserbasyon ng kasaysayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mylene Quinto-Lising, Cultural Deputy National Museum for Cagayan Valley, ay tiniyak nito na hindi makakaapekto ang ginagawang paghuhukay ng mga archaeologist sa kabuhayan ng mga residente sa nabanggit na lugar .

Matapos makadiskubre ang mga archaeologist ng mga stone tools na pinaniniwalaang ginamit ng sinaunang mga tao ay lalo pa aniyang dapat na ingatan ang lugar upang hindi din maapektohan ang ginagawang pag-aaral sa kasaysayan.

Sinabi pa ni Lising na sa ginawang pag-aaral ay maaaring namuhay ang mga sinaunang tao sa Rizal, Kalinga 709,000 taon na ang nakakalipas.

-- ADVERTISEMENT --

Giit nito, nagpapakita lamang na ang kanilang mga nadidiskubre ng mga stone tools at mga buto ng hayop ay patunay na napakahalaga ng ating lugar at maituturing na “ most important archaeological site” sa bansa.

Matatandaan na kamakailan ay nagsagawa ang naturang grupo ng scientific conference kaugnay sa mga nahukay na buto at ngipin ng sinaunang tao sa Callao, Peñablanca na tinawag na Homo Luzonensis.

Samantala, bilang maituturing na “important cultural property” at “most important archaeological site” sa bansa ay kailangan itong ingatan at pahalagahan upang hindi maapekruhan ang preserbasyon ng ating kasaysayan.