TUGUEGARAO CITY-Kailangang isailalim sa rapid testing ang mga estudyanteng stranded bago makauwi sa isla ng Calayan.

Pahayag ito ni Mayor Joseph Llopis ng Calayan, bilang tugon sa executive order no. 18 ni Governor Manuel Mamba na payagang makauwi ang mga estudyanteng stranded dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Aniya, hinihintay na ng kanilang opisina ang nasa 900 testing kit na gagamitin sa mga uuwing estudyante upang matiyak na hindi sila apektado ng virus at para masigurong hindi mahahawaan ang nasa 20,000 mamamayan ng kanyang nasasakupang isla.

Ngunit, sinabi ng alkalde na kung sakali na hindi pa darating ang mga testing kit hanggang sa katapusan ng Abril ay isasailalim na lamang sa home quarantine at thermal scan ang mga darating sa isla.

Tinatayang aabot sa 850 ang bilang ng mga stranded sa mainland kung saan na sa 60 hanggang 70 percent ay estudyante.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Mayor Joseph Llopis

Samantala, nakahanda na rin ang kanilang quarantine facility kung sakali na may maitalang suspect o probable case ng covid-19 sa isla.