Umakyat na sa 25 ang bilang ng mga boluntaryong sumukong bilanggo na unang napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa rehiyon dos kasunod ng 15 araw na palugit na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Dutere.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Lt/Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PNP RO2 na 17 ang sumuko sa probinsiya ng Cagayan, 4 sa Isabela, at tig-2 sa Nueva Vizcaya at Quirino.
Sinabi ni Iringan na wala pa silang hawak na listahan ng mga napalayang kriminal kung kaya patuloy na tumatanggap ang mga PNP stations ng mga sumusuko.
Sisimulan aniya ang pagtugis sa mga napalaya sa ilalim ng GCTA sa oras na matapos ang 15 araw na palugit na ibinigay ni Duterte.
Miyerkules, September 4, 2019 nang pasukuin ni Duterte ang mga lumayang heinous crime convicts kasabay ng pagsibak niya kay Nicanor Faeldon bilang BuCor chief.
—with reports from Bombo Genesis Racho