TUGUEGARAO CITY- Wala pang schedule ang Land Transporation Office Region 2 kung kailan ito magbubukas.

Sinabi ni Manny Baricaua, admin. Chief ng LTO Region 2, sarado pa ang kanilang tanggapan dahil sa hinihintay pa nila ang final guidelines o protocols para sa resumption ng mga transaksion sa kanilang mga opisina kaugnay sa umiiral na general community quarantine.

Kaugnay nito, sinabi ni Baricaua na may mga proposal na sila para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan, pagkuha ng lisensiya at iba.

Sinabi ni Baricaua na ang kanilang plano ay magkaroon ng extension ang mga nagpaso ang kanilang rehistro ng sasakyan sa panahon na ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Baricaua

Ganito rin aniya ang gagawin sa mga nagpaso ang kanilang mga driver’s license at student permits at tatanggapin pa rin ang mga nagpaso ang kanilang certificate of emmission compliance at medical certificate sa panahon ng ECQ.

Sinabi niya na ipinanukala din na hindi muna sila tatanggap ng mga kukuha ng bagong lisensiya at student permit.

Ayon sa kanya, ito ay upang malimitahan ang mga magpupunta sa kanilang mga tanggapan sa sandaling magbubukas na ang mga ito.

Sa katunaya, sinabi niya na plano din nilang magpatupad ng scheduling system sa mga may mga transaksion sa kanilang mga tanggapan upang masunod pa rin ang social distancing.

Samantala, sinabi ni Baricaua na tuloy pa rin ang paghuli ng kanilang mga tauhan sa mga lumalabag sa mga batas trapiko.