Handang-handa na ang Beijing, China sa pag-host sa nakakawili na half-marathon na dadaluhan ng libu-libong human runners laban sa ilang bipedal robots na ginawa ng ilang nangungunang robotics companies sa buong mundo.
Magiging punong-abala ang Beijing Economic-Technological Development Area (E-Town) sa running event para sa mga tao at human-like robots sa buwan ng Abril ngayong taon.
Inaasahan na 12,000 na katao ang lalahok sa nasabing event kasama ang ilang bipedal robots , kung saan ito ang magiging kauna-unahan na kakaiba na half-marathon sa kasaysayan.
Kailangan na ang mga robots ay kahawig ng isang tao, may laki na mula .5 hanggang 2 meters, at may kakayahan na tumakbo o maglakad gamit ang dalawang paa.
Makakatanggap ng cash prize ang mananalo, tao man o robot depende sa kanilang performance.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipagkompetensiya ang mga robot sa official running events.
Nitong nakalipas na taon, si Laibo 2, isang quadruped robot na gawa sa South Korea, ang unang robot na nakakumpleto ng buong marathon sa isang single charge.
Subalit, hindi makakasali ang nasabing robot sa half-marathon sa Abril dahil bukas lamang ito sa mga bipedal robots.