Nagsagawa ng pag-iikot ang mga tauhan ng Provincial Health Office ng Cagayan sa mga bayan na nagkaroon ng mga evacuees dahil sa mga pagbaha dahil sa habagat at bagyong Carina.
Sinabi ni Robert Umuso ng PHO na tinignan ng mga ito ang kalagayan ng mga evacuees na nakabalik na sa kanilang mga tahanan upang matiyak na walang outbreak ng anomang sakit.
Bukod dito, sinabi niya na tiniyak din nila na oprational ang lahat rural health units lalo na sa panahon ng kalamidad.
Sinabi i Umuso na wala naman silang nakita na outbreak sa halip ay mga insidente lamang ng minor injuries na agad naman na natugunan ng mga rhu.
Bukod dito, sinabi ni Umuso na sa kanilang pagpunta sa mga evacuation centers ay may dala sila dalawang unit ng portable water filtering machine para mabigyan ng malinis na tubig ang mga evacuees.
Kasabay nito, sinabi ni Umuso na nakatulong din sa maayos at mabilis na paghahatid ng basic health services at mga gamot sa mga evacuees ang mga prepositioned na mga commodities at logistics sa mga RHUs.
Samantala, sinabi ni Umuso na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagsasanay sa mga RHUs at nagkakaroon din sila ng pag-aaral sa mga patakaran patungkol sa health plan upang lalo pa itong mapagbuti.