Tuguegarao City- Handang sumunod sa mga ipatutupad na guidelines ang grupo ng mga Tricycle Operators Driver Association(TODA) sa lungsod ng Tuguegarao.
Ito ay sakali mang buksan na sa publiko ang daloy ng transportasyon upang makapamasada rin ang mga tricyle drivers.
Ayon kay Adello Calueng, presidente ng TODA sa lungsod, kailangan nilang sumunod sa panuntunan ng pamamasada upang makaiwas sa pagkalat ng virus.
Aniya, number coding system ang gagamiting hakbang sa mga mamasadang tricycle upang mamonitor ang bilang ng mga dapat lumabas.
Kaugnay nito ay isa lamang ang maaaring isakay na pasahero ng bawat traysikel kung saan ay pag-uusapan nalamang ng pasahero at ng driver ang ibibigay na pamasahe.
Matatandaang una ng nagbigay ng direktiba si Mayor Jefferson Soriano sa mga traysikel drivers kaugnay sa mga panuntunang dapat sundin sa pamamasada.
Umapela naman si Calueng sa mga mananakay nasakaling payagan na silang mamasada ay intindihin sana ng mga pasahero ang kanilang kalagayan sa pamamasada.