TUGUEGARAO CITY- Pinag-aaralan na ng Department of Science and Technology (DOST)Region 2, Cagayan State University at University of the Philippines na ayusin ang pagta-tricycle sa Tuguegarao City na balak itulad sa sistema ng grab.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Sancho Mabborang, Regional Director ng DOST, layunin nito na gawing mas maayos ang daloy ng trapiko at mabawasan ang polusyon sa hangin.

Bukod dito, sinabi ng opisyal na pinag-aaralan din nila ang sistema ng pagbabayad ng pasahe sa mga tricycle.

Ilan pa aniya sa mga sistemang pinag-aralan kaugnay dito ay ang pagkakaroon ng directory ng mga traysikel na maaaring tawagan para magpasundo, makapareserba at pagbuo ng isang departamento na mangangasiwa sa booking process.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na target nilang matapos sa lalong madaling panahon ang implementing regulations para maisumite at maiprisinta sa pamahalaang panlungsod.

ang tinig ni Engr.Mabborang

Kaugnay nito, inamin ni Mabborang na may mga hamon sa kanilang ginagawang pag-aaral sa nasabing sistema.

Gayonman, umaasa siya na tatanggapin ito ng mga tricycle drivers dito sa lungsod.

muli si Engr. Mabborang