TUGUEGARAO CITY – Binigyang pagpupugay ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao sa pangunguna ni Mayor Jefferson Soriano ang kabayanihan at katapangan ng 13 Tuguegaraoeño na lumaban noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa lungsod.

Sinabi ni Edmund Pancha,iformation officer ng Tuguegarao City na ito ang tampok sa paggunita ng liberation ng Tuguegarao mula sa pananakop ng mga Hapon ngayong araw na ito June 25.

Ang mga binigyang pagpupugay ay sina Felix Carag Damil,97, at buhay pa ng Cattagaman,Ponciano Zingapan Barias,Andres Melad Arugay,Seferino Carag Damil,Peledio Macaraniag,Cezar Pobre,Jose Soriano Queman,Antonio Ballad,Eutiquio Ballad at Fortunato Tulliao.

Sinabi ni Pancha ang commemoration ay bilang tugon sa Proclamation 653 na inilabas ng Malacanang na nag-aatas sa mga LGUs na gunitain ang mga mahahalagang kaganapan sa kaysaysan ng ating lokalidad.

Idinagdag pa ni Pancha na taon-taon na ang gagawing aktibidad ukol dito kung saan ay sa susunod na taon ay planong imbitahan ang buhay pang beterano na si Damil at mga kamag-anak naman para sa mga pumanaw na.

-- ADVERTISEMENT --