Sinabi ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na maaaring maharap sa kasong obstruction of justice at habambuhay na ma-disqualify sa paghawak ng puwesto sa gobyerno ang sinumang opisyal na mapatutunayang tumulong kay Senador Ronald dela Rosa matapos ang insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 13.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Philippine National Police na umalis si Dela Rosa sa Senado sakay ng sasakyang nakarehistro kay Senador Robin Padilla ilang oras matapos ang insidente.

Nauna nang inamin ni Padilla na pagmamay-ari niya ang sasakyang nakita sa CCTV ngunit iginiit nitong hindi niya tinulungang tumakas si Dela Rosa at nakisabay lamang umano ito sa kaniyang sasakyan palabas ng Senado.

Kinuwestiyon din ni Carpio ang umano’y protective custody na ibinigay kay Dela Rosa sa Senado at sinabing maaari pa rin itong arestuhin kahit may sesyon ang Kongreso dahil ang kasong kinahaharap nito ay may kaparusahang higit sa anim na taong pagkakakulong.

Dagdag pa ni Carpio, maaaring magsampa ng reklamo ang Department of Justice o Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa umano’y pagtulong kay Dela Rosa.

-- ADVERTISEMENT --