Tuguegarao City- Pansamantala hindi magpapapasok ng mga turista ang Municipal Government ng Baggao kaugnay sa pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Joanne Dunuan, magkaroon na umano sila ng emergency meeting at inalerto ang lahat ng mga barangay official sa monitoring sa mga pumapasok sa kanilang bayan.
Sa ngayon ay naglatag na aniya sila ng 24/7 check points sa lahat ng entry and exit points sa kanilang bayan.
Ayon pa kay Dunuan ay nagbigay na siya ng direktiba kaugnay sa monitoring at paghihigpit sa pagpapatupad ng 14 days home quarantine sa nagsiuwian na galing ng Metro Manila.
Inihayag naman nito na wala umanong kaso ng Persons Under Investigation (PUI)ang naitatala sa kanilang munisipalidad.
Nanawagan naman si Dunuan sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na precautionary measures at panatilihin ang kalinisan sa katawan upang makaiwas sa sakit.