
Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na natanggap nito ang 25 reports kaugnay sa voluntary recall ng batches ng Nan Optipro at Nankid Optipro infant formula products.
Ito ay matapos umanong ma-detect ang isyu sa kalidad ng mga produkto.
Ayon sa FDA, 18 umano sa mga ulat na ito ang may health concerns sa mga infant at bata matapos kumonsumo ng mga apektadong gatas.
Ilan sa mga sintomas na dapat bantayan ay ang pagsusuka, diarrhea, abnominal pain, at iba pang conditions.
Samantala, sinabi ng tanggapan na lahat ng ulat ay ine-evaluate na upang matukoy ang nararapat na aksyon, at nai-coordinate na rin sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang tamang validation at resolusyon.
Idiniin ng FDA na patuloy rin ang kanilang close regulatory authorization sa holder ng naturang produkto.







