Sa gitna ng Heat wave at tagtuyot sa Mexico, binibigyan ng air-conditioning ang mga ibon at inililigtas naman ang mga unggoy na nakakarnas ng heatstroke ng non-governmental groups.

Ang pamahalaan naman ay abala sa pagpapalamig sa mga hayop sa zoo, binibigyan ng frozen meat popsicles ang mga leon.

Isang grupo naman ang nagpapakain ng frozen rats mula sa Mexico City ang mga kuwago.

Ang matinding impact sa wildlife ay nararanasan sa central at southern Mexico, dahil bagamat mataas din ang temperatura sa hilaga, ang malaking bahagi nito ay disyerto at nilalabanan ng mga hayop ang matinding init ng panahon at tagtuyot.

Sa Gulf coast, gumawa ang isang animal park ng air-conditioned rooms para sa mga agila, kuwago at iba pang ibon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa timog, patuloy ang pagbagsak ng mga howler monkeys mula sa mga puno na namamatay dahil sa heatstroke.

Ayon sa Environment Department, kabuuang 204 howler monkeys na ang namatay, 157 sa kanila ay sa Tabasco.

Sinabi ng isang empleyado ng nasabing tanggapan, posibleng umabot na sa halos 250 ang namatay na howler monkeys.