

Tuguegarao City- Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) ang mga University Presidents mula sa iba’t ibang unibesdidad sa rehiyon bilang suporta sa bagong proyekto ng Department of Science and Technology (DOST) Region 2.
Ito ay kaugnay sa isinusulong na “Engaging Innovation by Nurturing Significant of Thousand Excellent Ideas in the North” (EINSTEIN) 1,000.
Paliwanag ni Engr. Sancho Mabborang, Director ng DOST Region 2 na layon nitong bigyang pansin ang pagpapa-unlad at pagdevelop sa mga produkto ng mga mamamayan.
Sa tulong ng mga experto mula sa naturang tanggapan ay lilinangin ang iba’t ibang konsepto upang makagawa ng mga produktong ipakikilala sa iba pang mga lugar.
Sinabi ni Mabborang na bahagi rin ito ng hakbang ng DOST na tulungan ang pamahalaan sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.
Ginawa ang kasunduan sa pamamagitan ng virtual signing kung saan kabilang sa mga lumagda ay ang presidente ng Batanes State University, Isabela State University, Cagayan State University, mga private universities sa rehiyon at ang kalihim ng DOST.










