Sinimulan nang buksan ng mga otoridad ang 81 vaults sa loob ng sinalakay na Pogo hub sa Porac, Pampanga noong buwan ng Hunyo.
Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group, Presidential Anti-Organized Crime Commission at Anti-Money Laundering Council ang pagbukas sa mga vaults.
Nakuha sa mga vaults ang mahigit P1 million cash, mga gadgets at passports.
Sa isang vault, ito ay naglalaman ng 23 cellphones at Chinese passports.
Nakuha naman sa isa pang vault ang nasa P50,000 ay P1 million naman sa isa pang vault sa building 13.
Magsasagawa ng pagsusuri ang mga otoridad sa mga cellphones sa pag-asang makakuha ng karagdagang impormasyon na magagamit nila sa kanilang imbestigasyon.
Tiniyak ng CIDG na ang mga nasabing vaults ay hindi ginalaw at hindi inilipat sa ibang lugar.
Target ng mga ito na matapos ang pagbubukas sa 81 na vaults bukas, araw ng Linggo.