Matatanggap na simula ngayong araw na ito ng mga kuwalipikadong kawani ng pamahalaan, kabilang ang sibilyan at military at uniformed personnel ang kanilang midyea bonus ngayong araw na ito.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang halaga ng midyear bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng entitled na kawani.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, naglaan ang pamahalaan ng P63.69 billion para sa sa 2025 midyear bonus ng mga kuwalipikadong mga kawani ng pamahalaan.
Sa nasabing halaga, P47.58 billion ay para sa civilian personnel, habang ang mahigit P16 billion ay para sa military at uniformed personnel.