TUGUEGARAO CITY-Nanawagan ang migrante international ng independent investigation sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (philhealth).
Sa panayam ng Bombo Dadyo, sinabi ni Dolores Balladares Pelaez, secretary general ng Migrante International na mainam kung mayroong independent body na mangangasiwa sa imbestigasyon sa sinasabing 15 billion pesos na nawawalang pondo ng nasabing government owned health insurance corp.
Ayon kay pelaez na ang panukalang independent body ay maaaring bubuuin ng kinatawan ng mga mambabatas, COA, academe, lawyers group at mga non government organizations.
Bagama’t mayroong ikinakasang imbestigasyon dito ng pamahalaan subalit mas makakatiyak ang patas at walang kinikilingang imbestigasyon kung magkakaroon ng isang independent body na mangangasiwa dito.
Sa pamamagitan din nito ay marereporma ang nadungisang kredibilidad ng nasabing ahensiya kung lalabas ang katotohanan at mapanagot ang mga nagkasala.with reports from Bombo Marvin Cangcang